home           about           blog           archives           domain           exits           ask
 

pieces, praises and broken sonnets.


yaaay i had my first piano lesson today! (na-postpone kasi yung last week) and it feels sooooo good. haha. pero di nga totoo, kasi parang bumabalik ang pagka-alicia keys ko (kapal!) kapag nanjan yung teacher ko.. kapag kasi ako lang mag-isa di ko ganun ka-feel. anyway, ayun parang magical hour na naman yun, habang nakaupo ako dun sa bangko, na-iimagine ko na naman yung sarili ko, tumutugtog sa stage, maraming tao, tapos pagtayo ko, tinatapunan ako ng flowers ng mga tao, pinapalakpakan, standing ovation..

"and one, two, three, one, two, three"
very good na daw ako ngayon. kasi dati, kapag bago yung piyesa, i don't get it right away. medyo matagal pa bago ko makuha ng mabilis. eh ngayon daw, mas nakakabasa na ako agad ng mabilis. kaya yun. ansaya nga eh. para bang lahat ng takot ko na baka magkamali ako, it didn't turn out right, because i did what i was supposed to do, and i was good. waah. it feels grr-eat. feeling ko nga ngayon na-rejuvenate ang aking soul (waaahh.. todo exagge na to ha!) dahil nagkaroon na naman ako ng panibagong outlet for myself. heehee. kung yung iba sa belly dancing o kaya naman sa pagkanta nila nailalabas ang sama ng loob o and mga ligaya ng buhay, ako sa pagtugtog ng piano. kapag nandun na sa part na "forte", iniisip ko yung kinaiinisan ko, kaya talagang malakas. kapag naman nandun sa "allegro", iniisip ko yung mga masasayang moments sa school..


which brings us to the "i-miss-school" syndrome. JOKE. i am taking medication for this illness so as much as possible i don't want to miss school EVERY FREAKING MOMENT OF THE DAY. haaaay.


uuwi ako sa batangas bukas. pero bago yan, may meeting daw muna para sa leadership. woohoo excited na talaga ako ng lubus-lubusan. hahaha. pero matagal pa, sa 19 pa. anyway, dadalhin ko ang aking fave shoes (chucks, baby!) , ang aking fave jeans (solo.. hehe), ang aking capri (divisoria!!) at ang aking fave top (uhmm ano nga ba?) o sige pag-iisipan pa yun, pero basta, excited na ko! haha. sa wakas, makakalabas na ko sa aking hawla! makikisalamuha muna ko sa mga kapwa ko nilalang. (palalim na ng palalim ang aking bokabularyo, ipagpaumanhin niyo po)


I LOVE BROKEN SONNET. shiyet i wanna marry it!!!!!!! addict na ko sa kanta na yun. ewan ko ba kung bakit, pero everytime i hear it, my heart melt and it is simply wonderful. actually, pinakikinggan ko nga ngayon, na-download ko kasi. favorite song ko na siya.. promise! saludo ako sa HALE na siyang kumanta nito!!! wooooohoooooo! yan, OPM pride na naman ako (yep, noypi po ang Hale).. pero kasi ang ganda talaga ng kanta. pinakinggan niyo na ba ng mabuti yun? parang nung sinulat yun eh isang remembrance sakin.. haha. basta, i never heard a song that i could really relate to.. until Broken Sonnet. the song was beautifully written. the melody certainly gave life to the lyrics. and the words speak to the soul. aaah. hearing broken sonnet makes me think. i don't know, but somehow, when i first heard it (on RX 93.1), napatigil ako sa ginagawa ko. promise, hindi ako nag-iinarte. parang.. WOW. then the dj said, "Hail to Hale, that song is a hymn to the heart".. parang oo nga. parang that's what you want to say for the one you love. parang, it's a song that sings it all. alam mo yun? yung ibang kanta kasi parang nagpapaligoy-ligoy pa, sasabihin lang na mahal yung tao. pero eto talaga.. *whapak* tagos sa puso. for me at least. HAIL TO HALE. i salute you.


at naku yang myx na yan!!! wala kaming myx ngayon eh pano ko mapapanood yung myx presents ng hale?! waaaah?! hindi ko na nga naabutan sa opm myx countdown yun tapos tinanggalan pa kami ng myx! waaaaahh.


"coz tonight i leave my fears behind. coz tonight i'll be right by your side. lie down right next to me, lie down right next to me. and i'll never let go, never let go..


still i see the tears from your eyes. maybe i'm just not the one for you."

- Broken Sonnet by Hale. (aka Karla's Hymn)





adieu.



________________________________________________________________